A TEXT POST

all is well

Sabi nga sa pelikulang the 3 idiots (Hindu version) “Follow excellence…then success would be in your pants” ahahaha halatang nasasabaw na ako.

hmm random stuff random stuff random stuff

if passion was your fuel, you have to light it to create a fire :) Kaya know your passion.

haha wala akong magawa…sumasakit na yung mata ko kagagawa ng IE haha ang tanging masasabi ko lang eh “all is well” matatapos ko din ang IE at mga papers na ito…pero ang pinakamahalaga dapat eh mayroong “learning” matatapos ko nga, pero hindi ko naman naintindihan para sa akin yun na yung pinaka-walang kwentang magagawa ko dahil UNA, sinayang ko ang oras ko kaka-type ng mga sagot na hindi ko naman naiintidihan. PANGALAWA, napagod lang ang mga mata ko kakatitig sa screen ng laptop ko. PANGATLO, natulog na lang sana ako. PANGAPAT, nanuod na lang sana ako ng movie sa laptop.

i-chant ko na lang ang “all is well” nang paulit ulit nasasabaw na kasi ako…inaantok pero di makatulog haha idaan na lang sa tawa at tamang soundtrip magiging maayos din ang lahat.

A PHOTO

aseaofquotes:

Lisa Schroeder, I Heart You, You Haunt Me

Submitted by imnotgifted.

Reblogged from lanelkathrine
A TEXT POST

Para kang tsinelas…kahit pa anong klaseng sapatos o sandals ang isuot mo maghapon may isa ka pa ding tanging tsinelas na uuwian. Ito yung isusuot mo dahil komportable ka dito at masarap ito sa pakiramdam. Kapag suot mo na ito parang napapawi ang lahat ng pagod mo sa buong maghapon. Parang meron itong “magic”. Kaya naman kahit gaano ka pa karaming sapatos ang mayroon ka iisang tsinelas lang ang hahanaphanapin mo. Kasi kahit gaano pa karami ang mga sapatos mo, hindi nito matutumbasan ang kahalagahan sa iyo ng nag-iisang tsinelas.

A TEXT POST

    Thank you Lord para sa isa na namang dagdag na taon sa buhay ko. Maraming salamat sa pag-iingat Niyo at pag-gabay sa akin sa mga nakalipas na taon. Sa maraming mga blessings at opportunities na ipinagkaloob Ninyo sa akin. Thank you!

A QUOTE

You are the answer to every prayer I’ve offered.” -The Notebook (2004)

A TEXT POST

9-11-12 :D

9-11-2012

Masaya ako ngayon hindi lang dahil sa aking kaarawan dahil ito rin yung araw na may nakasama akong nagpasaya talaga sa akin.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ito kasi sa mga nakalipas na kaarawan ko palagi nalang may hindi magandang pangyayari. Naroon yung wala ang parehong mga magulang ko kaya mag-isa lang akong naka-alala ng birthday ko, naroon yung wala si papa kasi nag-away sila ni mama at marami pang iba. 

Dito unang unang nasira ang kaarawan ko. May kaklase kasi akong nagbigay sa akin ng biscuit na may cheese dip tapos ang kapalit pala noon ay huwag kong batiin yung isang kaklase namin.

Hindi ko trip yung mga ganyang bagay kasi kung wala ka namang ginawa sa akin na masama hindi naman kita aawayin at hindi din naman ako mahilig makipag-away. Noong hindi ako pumayag sinumbong niya ako kay mama na kinuha at inubos ko daw yung pagkain niya kaya hindi siya naka-kain ng recess. Haha noon pa man pala  may nang-bubully na sa akin!

Nagtaka naman ako na mas naniwala pa sa kanya ang nanay ko kesa sa akin pero syempre wala naman akong sinabi kaya naman nagulpi ako at nagbirthday ako ng may sugat sa mukha at pasa sa katawan. Sa mcdo ginanap yun at ang tanging nagpasaya lang sa akin noon eh ung mascot na si grimace…first time ko kasi syang makita at tuwang tuwa kasi ako sa kulay at itsura nia yun lang natapos pa din iyon na hindi naman talaga ako naging masaya.

Hindi naman ako bitter, nasanay na lang din siguro ako sa mga ganoong pangyayari. Kasi tuwing birthday naman ng kapatid ko palagi kaming kumpleto. Maayos na nagaganap ang kaarawan niya pero ni minsan hindi naman ako na-inggit. Saktong dumadaan lang ang kaarawan ko na maaring makalimutan ko at hindi ito i-celebrate kasi parang ordinaryong araw na lang ito para sa akin.

Siguro ito rin ang mga kadahilanan kung bakit mas gusto ko pang ituring na ordinaryong araw na lamang ang aking kaarawan. Lilipas ito kagaya ng ibang mga araw. Walang espesyal na mangyayari matatapos din ito kapag ako ay nakatulog na.

Alam kong hindi naman lahat ng tao ay nararanasan ang mga ganitong bagay sa kaarawan nila. Kaya nga minsan napapa-isip ako ano ba ang mga gingawa nila sa kanilang mga kaarawan? Bakit tuwang-tuwa sila sa tuwing darating ito? Hindi ko man maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman nila, masaya na din ako dahil naramdaman kong maging masaya sa mismong kaarawan ko.

Ngayon lang kasi ako may nakasama na handang makinig sa mga walang kwentang bagay na sinasabi ko, sa mga kalabuan at kabaliwan ko yung taong matatanggap at mahal pa din ako kahit na mga walang kabuluhan ang mga  pinag-gagawa ko.

Masaya ako dahil sa dami nang lumipas na kaarawan ko, ngayon lang may nagtiyaga at gustong samahan ako. OHA! hindi lang niya ako binati!

Oo, maraming bumabati sa akin na mga kaibigan at kamag-anak pero hanggang doon na lang iyon. Hanggang bati lang minsan nga nag-uunahan pa sila eh pero kapag natapos ka na nilang batiin eh tapos na yun. Hindi ko naman sinasabi na mali iyon, hindi din ako nagrereklamo. Nagpapasalamat pa din ako dahil naalala nila ang aking kaarawan.

Minsan lang talaga kasi hahanapin mo din yung may makasama ka at maramdaman mong espesyal ka sa araw na iyon.

Buti nalang talaga eh andyan ka :D napasaya mo ako sa araw na ito at tunay naman talagang nagpapasalamat ako sa iyo ng taos puso :D napakalaking bagay nito sa akin. Salamat. Maraming maraming salamat. Marami na akong utang sa iyo, hayaan mo babawi din ako. Haha alam kong mababasa mo din ito at makakarating din sa iyo itong mensahe ko. Muli, maraming maraming salamat! 

Pasensya na kung nasayang ko ang oras ng pag-papahinga mo. :D

Salamat ulit!

A PHOTO
Reblogged from lanelkathrine
A TEXT POST

Nakakapanghinayang lang…

Alam mo yung feeling na may nawala sayo at ang mas masakit pa eh dahil ito sa kagagawan ng iba. Pinagdududahan mo na nga eh pero sadyang hindi mo na lang din pinansin. Tiwala lang…tapos amp kapoof! Minsan ka na nga lang magtitiwala tapos bigla pang napalpak! Napakasaya ng buhay.

Wala ka nang magagawa kasi lumipas na yung “moment” at kahit pa gusto mo pa itong balik-balikan hindi mo na ito magagawa. 

SAYANG 

Nakakalungkot lang pero wala eh. Tapos na yun, lumipas na. Sa iyong balintataw mo na lamang ito makikita…Ang isang magandang alaala na tanging ikaw na lamang ang makakakita.

A PHOTO

HAHAHAHAHAHA MASAYA AKOOOOO :) Bagong rubber shoes!! :))) 

Sa nagbigay, Maraming maraming SALAMAT!! Sobrang napasaya ako nito hihihihi

A QUOTE

Somebody like you can really make things all right for me.” -Requiem for a Dream (2001)